Linggo, Mayo 1, 2011

Repleksyon??

May puno bang naging santol ang bunga,,,,
Kung itinanim mo naman ay buto ng mangga?
Parang isang palaisipang kataga,,Pero sa madaling salita
Kung anuman ang iyong ginawa,,Hindi ba't yun din ang tiyak na mapapala?

Kayat,,,Kung sa sistema ng buhay ay paggawa ng tama,,
At nasa isip lagi ang pagtulong sa kapwa,,
Aasahan mo bang kapalit nito'y tila isang sumpa??
Hindi! Dahil tatanawin nilang utang na loob ang iyong kabutihang ginawa.

Ngunit pag nagsubok sa isang maling paraan,,
Mag-aakala ka bang kapalit ay positibong daan??
Hangal! May preso bang lubos ang saya sa kulungan??
Hindi ba't sa huli,,Kamalian nilay pinagsisisihan??

Isipin na lamang kung anu man ang ginawang desisyon,,
Asahan mong kapalit nito ay isang repleksyon
Repleksyong kaakibat ng lahat ng iyong ginawa
Na pawang nagmamatyag kung mali man o tama..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento