Martes, Mayo 3, 2011

Ito'y isang damdamin lamang sa hinanakit na nararamdaman, ang pagsulat na ito'y maaaring isang malaking tulong sa paghupa ng isang damdamin ng usaping Pag-ibig. Literal na pag-ibig sa isang dalaga, Unang una, ang damdaming nakabase dito ay hango sa mismong damdamin ng aking sarili, isang damdaming hindi mapalagay sa pangyayaring, sabihin na nating tuliro kumbaga dahil sa Pag-ibig,. Anu nga ba ang pag-ibig? para sakin isang damdaming regalo na mula sa maykapal, isang regalong nakapaloob at saklaw ang lahat ng bagay-bagay, ang bawat kilos ang bawat damdamin at relasyon unang una sa panginoon,.. Eh pano kung sa puntong ang Pag-ibig mo ay may dalawang palaisipan? una: pag-ibig na aasa, pangalawa: Pag-ibig na pina-asa, ang ibig sabihin ko lamang ay, kung sa isang taong mahal mo (gaya kong isang lalake, malamang magmamahal ako ng babae) ay dumating ang punto ng hangganan ng inyung relasyon,.. puntong hindi na maaaring ituloy.. puntong maaaring masakit ngunit wala na tlgang magagawa kundi tanggapin,. Gaya na lamang ng pangyayaring hindi ko matanggap, ako ay bumase sa kanyang kataga "Natatakot akong magmahal" sabi nya, malamang bilang isang lalake patutunayan ko ang tunay na pag ibig ko sa kanya pra maging consistent at makita nyang seryoso talaga ako, eto pa "Gusto ko ng isang relasyong pangmatagalan" a nya, at etong muli bilang lalake at ako'y hindi naman nagmamadali, nagbigay pa din ako ng pagkakataon sa kanya na mag-isip mabuti kung ako nga talaga ay karapat dapat nyang sagutin at mahalin, maluwag nmn sakin kahit gaano katagal ako mag hihintay, (yun eh dahil seryoso tlga ako sa kanya).  Hanggang sa nagtanung ako sa kanya kung makakaasa ba ko sa Oo nya? sabi nya "Oo basta jan ka lang lagi sa tabi ko, wag mo ko iiwan kahit anung mangyari" Hindi ba't kaysarap pakinggan ng mga ganung kataga bilang isang lalaking nanunuyo ng Pag-ibig sa  isang dalaga? dagdag pa nya "Hindi ako yung tipong babaeng NAGPAPA-ASA" So, isang malaking puntos pra sakin ang mga ganung pananalita, pra bang napakalaki ng pagkakataon kong sumaya at napakalaking tiyansa na makuha ko ang pag-ibig nya..hanggang sa wala pang one month ng bigla nyang sabihing "sinasagot na kita" through text,.  madaling salita, Laking tuwa ko!! Masaya! unang una halos magmuka na kong korni dahil pinanalangin ko pa sa panginoon ang araw na yun at nagpasalamat at nakuha ko na ang babaing nagugustuhan ko,. Lubos ang kasiyahan dahil sa isang lalaking tulad ko napasagot ko ang isang dalagang sabihin na nating may angking ganda, (head turner pa kumbaga) . at yun nga nandun na din ang mga kilig sa bawat text, gigicng ka ng umaga ang mababasa ko txt agad nya. Umasa ako sa isang maayus na relasyon, umasa ako sa isang magandang takbo ng ugnayan,. nagbigay ako ng isang magandang pagmamahal ng walang pagkukulang,. tumanggap ako ng isang pagkatao nya na kung anu siya,. Ngunit sa bawat pag-asang yun pumaloob na ang unting paglabo, gigicing sa umagang wla na kahit isang text na galing sa kanya, at sa bawat sumunod na mga araw ay ganun padin, wla nang paramdam wla nang ugnayan kahit sa facebook man lng,. malinaw naman sakin na sa ganung pamamaraan nya, kahit hindi nya sabihin ang salitang "hiwala'y na tayu" eh klaro nmn kung ano ang pinahihiwatig nya, ika nga, may pakiramdam naman ako , hindi ako manhid. at ang pinakamasakit pa sakin, ay yung tagal ng relasyon ay hindi man lang naabot ang standard na tagal ng isang relasyon nakakahiyang sabihin pero wag na lng.. Ganun pa man,  masasabi ko ng buong buo na wla akong pagkukulang, naging seryoso ako sa kanya, nagbigay ako ng isang pagmamahal ng wlang pagkukulang,. Ang hirap nga talaga pag alam nilang maganda cla, alam nilang ganung kadali ang lalake sa kanila, kumbaga eh dating na dating sa angking ganda, wla naman ako magagawa eh,. ang masakit lng talaga sa akin ay yung mga kataga nyang binitawan!! ang mga salitang masarap ngang pakinggan ngunit bandang huli xa din pala ang mang iiwan,. naging opinyon ko lang, ayus lng umasa wag lang ang Pina-asa.. masakit mahirap kalimutan ngunit sa isang banda ganun tlga ang buhay kasama sa leksyon ng Pag-ibig. ang natatandaan ko lng yung unang araw na napansin ko na yung ganung kilos nya, tlgang labis akong nasaktan, yung tipong kusa na lng babagsak yung luha , pero pinilit kong wag n ituloy ang pag iyak, maaaring masakit dahil nag rely ako sa mga salita nya pero nandun pa din yung kasabihan ko sa sarili ko "Hindi ko itutulo ang luha ko sa mga wlang kwentang pangyayari, tao o bagay, ang luha ko ay sagrado at mas may mahalaga pang paglala anan ang mga luha kong ito sa isang karapat dapat na pagkakataon". Jan lumalakas ang loob ko sa kasabihan kong iyan,. Inicip ko na lng na mapalad ako dahil ipinakita sa akin agad ng Panginoon ang dpat gawin at hindi xa ang karapat dapat na babae pra sa akin,. Naalala ko tuloy yung librong nabasa ko na Sometimes God says no, dahil kung inilalamang ng pag-ibig ko ay earthly will lng, eh tlgang "No" ang sagot ni Lord jan, God has a plan for ourselves,. at napatunayan kong especial ako at may isang babae pa ding nka destined pra sa akin.,. So Patawarin nyu na lamang ako sa pagtityaga nyung basahing ito, hehe maraming salamat

Linggo, Mayo 1, 2011

Repleksyon??

May puno bang naging santol ang bunga,,,,
Kung itinanim mo naman ay buto ng mangga?
Parang isang palaisipang kataga,,Pero sa madaling salita
Kung anuman ang iyong ginawa,,Hindi ba't yun din ang tiyak na mapapala?

Kayat,,,Kung sa sistema ng buhay ay paggawa ng tama,,
At nasa isip lagi ang pagtulong sa kapwa,,
Aasahan mo bang kapalit nito'y tila isang sumpa??
Hindi! Dahil tatanawin nilang utang na loob ang iyong kabutihang ginawa.

Ngunit pag nagsubok sa isang maling paraan,,
Mag-aakala ka bang kapalit ay positibong daan??
Hangal! May preso bang lubos ang saya sa kulungan??
Hindi ba't sa huli,,Kamalian nilay pinagsisisihan??

Isipin na lamang kung anu man ang ginawang desisyon,,
Asahan mong kapalit nito ay isang repleksyon
Repleksyong kaakibat ng lahat ng iyong ginawa
Na pawang nagmamatyag kung mali man o tama..

Sabado, Abril 30, 2011

Pag-ibig ang liwanag na daan.

Mahirap magpaka-alila sa mundong ginagalawan
Kung sa anino ng kadiliman ay di mahiwalayan
Maging sunud-sunuran sa takbo ng kasamaan
Samantalang,,, ... Ang PAG-IBIG ay nanjan lang naman

Ilang beses pa bang maghihimala ang langit??
O ilang araw pa ang kaylangang sumapit??
O kaylangan pa bang maghintay ng bahaghari,,,
Para lang ang Pag-ibig ay sadyang mawari??

Maraming taong bumabagtas sa gintong daan
Ngunit di nila alam, dulo'y puno ng kadiliman
Palibhasa'y nakikita,,, Panlupang kaningningan
At pagdating ng wakas,, Ska lamang malalaman

Iwaksi na ang gapos sa sistema ng kadiliman!!
Hanggat may oras pa,, hwag nang magbulag-bulagan!!
Pagkat ang PAG-IBIG ang syang tunay na kasiyahan
Pagkat ang PAG-IBIG,,,,... PAG-IBIG ang liwanag na daan....