Sabado, Abril 30, 2011

Pag-ibig ang liwanag na daan.

Mahirap magpaka-alila sa mundong ginagalawan
Kung sa anino ng kadiliman ay di mahiwalayan
Maging sunud-sunuran sa takbo ng kasamaan
Samantalang,,, ... Ang PAG-IBIG ay nanjan lang naman

Ilang beses pa bang maghihimala ang langit??
O ilang araw pa ang kaylangang sumapit??
O kaylangan pa bang maghintay ng bahaghari,,,
Para lang ang Pag-ibig ay sadyang mawari??

Maraming taong bumabagtas sa gintong daan
Ngunit di nila alam, dulo'y puno ng kadiliman
Palibhasa'y nakikita,,, Panlupang kaningningan
At pagdating ng wakas,, Ska lamang malalaman

Iwaksi na ang gapos sa sistema ng kadiliman!!
Hanggat may oras pa,, hwag nang magbulag-bulagan!!
Pagkat ang PAG-IBIG ang syang tunay na kasiyahan
Pagkat ang PAG-IBIG,,,,... PAG-IBIG ang liwanag na daan....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento